Manila, Philippines – Isinulong ni Senator Panfilo Ping Lacson ang panukalang pag-wiretap sa komunikasyon ng mga sangkot sa krimen tulad ng droga at money laundering at sa mga nagnanais pabagsakin ang pamahalaan.
Nakapaloob ito sa panukalang Anti-Wiretapping Law o Senate Bill 22 na inihain ni Lacson na naglalayong amyendahan ang 54 taon nang Republic Act 4200.
Ipinunto ni Lacson na kailangan nang mas palawakin ang kapangyarihan ng mga alagad ng batas sa pagmanman laban sa mga kriminal.
Nakapaloob sa panukala ni Lacson na maaaring isailalim sa wiretapping ang nga sangkot at nakikipagsabwatan sa coup d’etat, robbery in band, highway robbery, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Anti-Money Laundering Act.
Kapag ang panukala ay naisabatas na sa pamamagitan ng court order ay pwede nang ma-wiretap ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga nabanggit na mga krimen.