Mga sangkot sa fraternity hazing, binalaan ng DOJ

Binalaan ni Justice Sec. Crispin Remulla ang mga gumagawa ng fraternity hazing.

Ayon kay Remulla, dapat magsilbing aral sa mga sangkot sa hazing ang naging hatol sa mga pumatay kay hazing victim University of Santo Tomas (UST) Law student Horacio “Atio” Castillo III noong 2017.

Pinapurihan naman ni Remulla ang Department of Justice (DOJ) prosecutors na nasa likod ng pagsusulong sa kaso.


Kahapon, hinatulan ng reclusion perpetua ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 11 acting Presiding Judge Shirley Magsipoc-Pagalilauan ang 10 miyembro ng Aegis Juris fratmen

Kabilang sa mga hinatulan ng 20-40 yrs. imprisonment sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, Robin Ramos, Jose Miguel Salamat, Danielle Hans Matthew Rodrigo, at Marcelino Bagtang.

Ang mga convicted na akusado ay pinagbabayad din ng korte ng danyos sa pamilya Castillo.

Facebook Comments