Mga sangkot sa ghost flood project ng gobyerno, kakasuhan ni PBBM ng economic sabotage; COA fraud audit sa flood control projects, suportado rin ng pangulo

Hindi lang dismayado kundi ‘galit’ na ang nararamdaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa nadiskubreng ghost flood control project sa Brgy. Piel sa Baliuag.

Ayon sa pangulo, kung naisagawa lamang ang proyekto ay naresolba na sana ang problema sa pagbaha at natugunan pa ang pangangailangan sa irrigation at suplay ng malinis na tubig para sa mga kabahayan

Dahil dito, pinag-aaralan aniya ng pangulo na masampahan ng kasong economic sabotage ang mga sangkot sa ghost project ng gobyerno.

Bukas din ang pangulo sa posibilidad ng fraud audit ng Commission on Audit (COA), lalo na kung mapatunayang may falsification at anomalya sa paggamit ng pondo.

Mababawasan sana aniya ang utang ng bansa kung naging maayos ang mga ganitong proyekto.

Facebook Comments