Mga sangkot sa katiwalian ng flood control projects, may espesyal na lugar na sa impyerno ayon sa isang senador

Mayroon na umanong nakareserbang espesyal na lugar sa impyerno ang mga sangkot sa katiwalian ng mga flood control project.

Kaugnay ito sa ibinunyag ni Pangulong Bongbong Marcos na may 15 kontratista ang lumabas na nakakopo ng halos 20 porsyento ng kabuuang budget ng pamahalaan para sa flood control.

Sinabi ni Ejercito na bagama’t inaasahan na kikita ang mga kontratista mula sa flood control projects, may iba naman na nagagawa pang lokohin ang publiko.

Binigyang-diin ng mambabatas na dapat may mapanagot at makulong kaugnay ng isyung ito.

Inirekomenda rin ni Ejercito ang regular na balasahan ng mga district engineers lalo’t base sa impormasyon ay nagsisimula sa district level ang korapsyon sa mga proyekto.

Facebook Comments