Mga sangkot sa katiwalian sa PCSO, pinatutukoy na sa pamahalaan

Hinamon ni Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate si Pangulong Duterte na pangalanan ang mga sangkot sa katiwalian sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Giit ni Zarate, dapat na maparusahan at mapanagot sa batas ang mga naitalagang tiwaling opisyal na mapapatunayang nagkaroon ng sabwatan sa loob ng PCSO.

Dapat aniyang malaman ng publiko kung sino-sino ang mga ito nang hindi nasasakripisyo ang kapakanan ng mamamayan.


Malaking problema aniya ngayon ng mga humihingi ng tulong sa PCSO ay kung saan na sila pupunta para humingi ng tulong.

Duda pa si Zarate sa intensyon ng pagpapalutang ng katiwalian sa PCSO na layong ilihis lamang ang mainit na isyu sa pag-veto ng Pangulo sa Anti-ENDO Bill.

Hinikayat din nito sa Kamara na imbestigahan kung mayroong paglabag sa PCSO Franchise Law.

Facebook Comments