Mga sangkot sa nag-viral na “face mask-sharing incident” sa Daet, Camarines Norte, bibigyan ng due process – DepEd

Sa loob ng linggong ito inaasahang makakapagsumite ng paliwanag sa incident report ang mga sangkot sa nag-viral na ‘face mask-sharing incident’ sa Barangay Dogongan, Daet, Camarines Norte.

Makikita sa viral video ang paghihiraman ng iisang face mask ng apat na estudyante para sa kanilang graduation pictorial na ginanap noong June 11.

Sa interview ng RMN Manila, tiniyak ni Department Of Education (DepEd) Region 5 School Division Superintendent Nimfa Guemo na magbibigyan ng due process ang mga nasa likod ng insidente.


Bagama’t makikita sa video ang naging paglabag sa health protocols, ayaw niyang ma-preempt ang posibleng maging parusa sa guro.

Kaugnay nito, bumuo na rin ng komite ang DepEd para simulan ang fact-finding investigation.

Facebook Comments