Mga sangkot sa pag-iisyu ng birth certificate kay suspended Bamban Mayor Guo, maaaring sampahan ng reklamo —DOJ

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na maaaring sampahan ng kasi ang ga sangkot o nasa likod ng pag-iisyu ng birth certificate kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay DOJ Spokesperson Mico Clavano, ito’y kung mapapatunayan na pineke o may anomalya sa paglalabas nito.

Dagdag pa ni Clavano na bukod dito, noon pa tinitingnan ng DOJ ang isyu sa mga pekeng government IDs at iba pang dokumento dahil sa mga nakukumpiska sa mga sinasalakay na POGO hubs.


Kaugnay nito, hindi makakaapekto sa reklamo laban kay Guo ang pagpapakansela sa birth certificate nito.

Giit kasi ni Clavano, ibang usapin ang birth certificate mula sa reklamong human trafficking na inihain laban sa alkalde dahil sa operasyon ng illegal POGOs sa Bamban.

Facebook Comments