Dapat parusahan at bigyan ng lethal injection ang mga indibiduwal na mahuhuling nagbebenta ng COVID-19 vaccine slots.
Ito ang biro ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa harap ng paglaganap ng modus kasabay ng COVID-19 vaccine rollout.
Ayon kay Año, dapat lethal injection ang ibigay sa mga sangkot sa modus sa halip na bakuna.
Babala ng kalihim sa mga LGU officials na iwasang gawin ang mga ganitong uri ng modus dahil mapaparusahan sila sa ilalim ng batas.
Binigyang diin ng DILG na wala dapat sumisingit sa pila lalo na at patas at sinusunod ang prioritization sa pagbabakuna.
Facebook Comments