Manila, Philippines – Pumalag si Senator Panfilo Lacson sa mga kumukwestyon sa paghawak ng Senado sa kaso ng hazing victim na si Horacio Castillo III.
Ito ay kasunod na rin ng mga pamba-bash sa social media sa ilang miyembro ng komite ng Senado.
Sa pagdinig kanina, nilinaw ni Lacson na wala silang kinikilingan at sa katotohanan lang sila pumapanig.
Samantala, naniniwala si dating Senador Atty. Joey Lina, Author ng Anti-Hazing Law na mahihirapang makalusot sa kaso ang mga sangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Aniya, malakas ang mga ebidensya laban sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na nagsagawa ng initiation rites kay Atio.
Facebook Comments