Mga sangkot sa pagkamatay ng isang hazing victim sa Zamboanga City, siguradong mahaharap sa matinding kaparusahan

Kinondena ni Senator Sherwin Gatchalian ang karumal dumal na pagkamatay ng 21-year-old senior high school student sa Zamboanga City na si Joselito Enviado matapos sumailalim sa hazing.

Dismayado si Gatchalian na may nangyayari pa ring hazing sa bansa kahit na ngayong may pandemya.

Naaresto na ng mga otoridad ang 12 sa 18 mga miyembro at opisyal ng Tau Gamma Phi Triskelion-San Jose Gusu Chapter na sangkot sa krimen at sabi ni Gatchalian, dapat ay mahuli na rin agad ang mga nakakalaya pa nilang kasamahan.


Diin ni Gatchalian, dapat maging malinaw na ang mga sangkot sa krimeng ito at sa mga nagbabalak gawin ito ay hindi makakalusot sa batas.

Tinukoy ni Gatchalian, na sa ilalim ng Anti-Hazing Act of 2018, ang mapapatunayang guilty sa pagpatay sa pamamagitan ng hazing ay mahaharap sa habambuhay na pagkakulong at multa na tatlong milyong piso.

Facebook Comments