Mga sangkot sa pagpapasabog sa Jolo, Sulu, hiniling na ipa-firing squad ng isang kongresista

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Sulu Rep. Munir Arbison na ipa-firing squad ang mga nasa likod ng pambobomba sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Galit na kinondena ng Deputy Speaker ang insidente at pinatitiyak na i-firing squad ang sinumang mapapatunayang nasa likod ng pag-atake.

Ayon pa kay Arbison, hindi ito gawaing makatao at taliwas sa turo ng Islam.


Samantala, kinukundena din nila Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Kabataan Rep. Sarah Elago at Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas ang naturang insidente.

Giit ng mga ito, magsilbing wake-up call ang trahedya para tugunan ng gobyerno ang problema at ugat ng terorismo sa bansa.

Facebook Comments