Mga sangkot sa pagpatay sa isang pusa sa Pasay, sinampahan na ng reklamo

Pasay – Pormal nang sinampahan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ng reklamo ang limang lalaki na sangkot sa pagpatay sa isang pusa sa Pasay City.

Nabatid na sapul sa CCTV ang paghahampas ng mga ito sa pusa hanggang sa mapatay.

Ayon sa compainant mula sa PAWS na si Anna Cabrera – posibleng makulong at pagbayaran ng 100,000 pesos na multa ang mga suspek.


Dagdag pa ni Cabrera – walang pinagkaiba kung ang pinatay na hayop ay alaga o yung gumagala.

Nanindigan ang PAWS na walang katanggap-tanggap na dahilan para makapanakit ng hayop.

Facebook Comments