May imbestigasyon ng ginagawa ang Armed Forces of the Philippines kung paano nakalabas ang kanilang mga bala at baril na napunta sa mga gun runner.
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal matapos maaresto ng Philippine Army at PNP CIDG ang isang negosyanteng nagmamay ari ng isang firing range sa Dasmarinas Cavite dahil sa pagbebenta ng mga bala at pagpaparenta ng mga rifle na naipuslit mula sa government arsenal.
Nakuhaan ito ng 3 rifle at nasa 3000 mga bala at iba pang kagamitan. Ayon kay Madrigal may mga natukoy na silang mga tauhan na posibleng sangkot sa pagbebenta ng bala galing sa government arsenal.
Pero hindi na muna tinukoy ng opisyal ang pagkakakilanlan ng mga ito dahil nagpapatuloy ang imbestigasyon ngunit tiniyak nyang mapaparusahan ang mga ito dahil sa paglabag sa batas.