
Iginiit ni Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon na dapat mailagay sa immigration blacklist ng Bureau of Immigration sa pinakamaagang panahon ang dalawang personalidad na sangkot sa pamamaril sa Bondi Beach sa Australia kung saan 15 ang nasawi.
Pahayag ito ni Ridon makaraang kumpirmahin ng Bureau of Immigration (BI) na ang mag-amang sina Sajid Akram at anak na si Naveed Akram ay nanatili sa Pilipinas simula November 1 hanggang November 28.
Hiniling din ni Ridon sa mga law enforcement agencies na magsiyasat sa mga lugar na pinuntahan ng nabanggit ng dalawang suspek at alamin ang mga taong kinita nila.
Paliwanag ni Ridon, ito ay para malaman kung ang pagbisita nila sa ating bansa ay para sa turismo lamang o nakadikit sa isang regional o international terror network at operations.









