Mga sangkot sa viral video ng sasakyang pumasok sa EDSA busway habang gumagamit ng blinkers at siren, pinagpapaliwanag ng LTO

Ipinag-utos na ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang agarang paglabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa mga may-ari at driver ng mga sasakyang sangkot sa viral video na kumakalat sa social media na may caption na “sana all VIP na government officials.”

Kita sa video ang mga sasakyan na pumasok sa EDSA Busway habang gumagamit ng blinkers at siren.

Ang naturang mga kagamitang nakalaan lamang para sa mga otorisadong emergency at law enforcement vehicles.

Inilagay na rin sa alarm status ang Toyota SUV na may Plate No. EAJ2330 upang mapigilan ang ano mang transaksyon na may kaugnayan dito habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Kasabay nito, ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang 90 araw na preventive suspension ng driver’s license ng driver at inatasang isuko ito bago ang itinakdang pagdinig.

Facebook Comments