Ininspeksyon ng Municipal Environment and Natural Resources sa Bangar, La Union ang mga sari-sari store at iba pang maliliit na tindahan sa bawat barangay upang matiyak ang pagsunod sa Plastic Code ng lalawigan.
Nagsimulang mag-ikot ang tanggapan noong unang kwarter ng taon bilang pakikiisa sa mga eco-conservation activities sa mga kabahayan maliban sa patuloy na tree-planting at coastal clean-up.
Regular din na nagsasagawa ng Kalinisan Day ang mga barangay councils at Civil Society Organizations tuwing weekend at sinusuportahan ang Trash2Cash Program ng Pamahalaang Panlalawigan.
Nagsisilbing information and education campaign ang pag-iikot ng tanggapan upang turuan ang mga MSMEs sa kaukulang responsibilidad sa kalinisan ng kapaligiran.
Nakasaad sa Provincial Ordinance No. 426-2023 o Plastic Code of La Union, ang pagbabawal sa paggamit ng single-use plastics at polystyrene products upang unti-unting matuldukan ang problemang polusyon dulot ng plastic at iba pang basura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









