Tumanggap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga bagong sasakyan at iba pang kagamitan mula sa AFP Mutual Benefit Association Incorporated.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility program.
Personal naman na tinanggap ni AFP Deputy Chief of Staff Vice Admiral Rommel Anthony Reyes ang mga donasyon sa isang seremonya sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Tig-isang commuter van ang mapupunta sa AFP Civil Relations Service, Office of Legislative Affairs, at AFP Education, Training, and Doctrine Command.
Habang computer sets at office equipment ay mapupunta sa Office of the Special Service at Office for Strategic Studies and Strategic Management.
Kasunod nito, nagpapasalamat ang AFP sa mga donasyong gamit kung saan daan ito upang lalo pa nilang mapagbuti ang kanilang serbisyo publiko.