Mga sasakyan na nagkaroon ng alarma dahil sa NCAP, maari ng ma-renew o marehistro ayon sa MMDA

Tinanggal na ng Land Transportation Office o LTO ang tagging at alarma sa mga sasakyang nahuli sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Una nang hiniling ng MMDA sa LTO na alisin muna pansamantala ang tagging at alarma sa mga sasakyan nahuli sa ilalim ng ipinapatupad nilang NCAP.

Kasunod ito ng pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema noong nakaraang buwan.


Sa liham ng MMDA sa service provider ng LTO na Stradcom Corp., sinabi ni MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga na ang malaking bilang ng mga sasakyan na na-tagging at inilagay sa alarma sa ilalim ng NCAP ng MMDA ay hindi maaring mag-renew o ilipat sa pagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan.

Ito’y dahil sa hindi tumatanggap ang awtoridad ng bayad mula sa mga multang ipinataw dahil sa pansamantalang pagsuspinde ng NCAP.

Pero inilahad ng LTO na inalis na nila ang alarma at tagging sa mga sasakyan na nahuli sa ilalim ng NCAP ng MMDA.

Dahil dito maari nang makapag renew o maglipat ng pagpaparehistro ng mga nasabing sasakyan.

Muling nagpalala ang MMDA sa mga motorista na panatilihin ang disiplina sa kabila ng pagsuspinde ng NCAP.

Facebook Comments