MGA SASAKYAN NA SAKAY AY UNAUTHORIZED PERSON HINDI PINAPALUSOT NG PULISYA SA BORDER CHECKPOINTS NG PANGASINAN

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng pulisya sa mga border point ng lalawigan ng Pangasinan upang wala umanong makalusot na mga unauthorized person outside their residents. Sa tala umano ng PNP Rosales at aabot na sa humigit kumulang na tatlong daan na sasakyan na sakay ang mga unauthorized person ang pinabalik sa kanilang pinanggalingan. Ayon kay Police Major John Corpuz, hepe ng Rosales PNP na inabisuhan nila ang ilang nagtangkang pumasok ngunit pinag uturn ang mga ito habang may mga nagtangkang tumakbo sa checkpoints na hinabol ng pulisya at sinampahan ng kaso.

Dagdag pa ng opisyal na 24/7 ang kanilang pagbabantay sa checkpoint at hindi lamang umano Rosales Police kundi composite team ng Highway Patrol Group, Regional Mobile Force Battalion at mga pulis mula sa kalapit bayan at siyudad.

Nilinaw din ni Corpuz na hindi hinohold ng pulisya ang mga stranded sa border point kundi ay inaabisuhan ang mga ito na bumalik sa lugar na kanilang pinanggalingan dahil mahirap manatili sa lugar dahil tanging tent lamang ang masisilungan. Sa halip ay nanatili sila ay hihintayin umano ang mga maaaring masakyan papasok sa probinsiya.


Photo credited to Pangasinan PPO

Facebook Comments