Parami na nang parami ang mga sasakyan sa EDSA kasabay ng unti-unti pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila.
Pero ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Bong Nebrija, kahit bumabalik na ang mga sasakyan sa kalsada ay malabo pa rin nilang ibalik ang number coding.
“E marami po nagsasabi, why not lift the coding and just give exemptions to the medical frontliners. The thing is, there will be a lot. We do not want to be overwhelmed by it. Hindi lang po doktor, meron ding magre-request na nurse, medical technician, e lahat po ng nagtatrabaho sa ospital, may sasakyan, baka mag-request na rin po,” saad ni Nebrija.
“We just giving this time na magamit nila sasakyan nila by lifting the number coding. And likewise, yung mga business na bagong bukas lang, also we are giving them chance to recover,” dagdag niya.
Samantala, tuluy-tuloy rin ang pagpapatupad ng “no contact traffic apprehension policy” sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada sa NCR.
Kasabay nito, nagpaliwanag si Nebrija sa reklamo ng ilang motorista hinggil sa sobrang delay na pagpapadala ng summon sa mga nagkakaroon ng paglabag sa batas-trapiko.
Aniya, bukod sa wala naman talagang pondo para sa pagpapadala ng mga summon, maaari ding nagkakaroon ng problema sa interconnectivity ng Land Transporation Office (LTO) at MMDA.