Isasalang sa mahigpit na inspeksiyon ang lahat ng mga sasakyang daraan sa mga kalsada patungo sa pagdarausan ng inagurasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Huwebes, Hunyo 30.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge PLt.Gen. Vicente Danao Jr., tanging ang mga nasa guest list lamang ‘with confirmed attendance’ ang papayagang pumasok sa National Museum.
Maging ang mga guests at ang mga staff nila na dadalo sa inugurasyon ay isasalang din sa mahigpit na security check.
Samantala, muling nanawagan si PNP PIO Chief PLt.Gen. Roderick Augustus Alba sa mga dadalo sa event na huwag magdala ng mga prohibited items.
Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Backpacks at malalaking bags
- Matutulis na mga bagay (tulad ng cutters, blades, kutsilyo, atbp)
- Nakalalasing na alak at yosi
- Kemikal
5.Fireworks at Pyrotechnics
6.Lighter, posporo at iba pang combustible items
- At drones
Ayon sa opisyal sa entrace gates pa lamang ay kukumpiskahin na ang mga naturang banned items.