Mga sasakyang hinihinalang isinangla ng mga natalo sa casino, nadiskubre

Pasay City – Nadiskubre ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang siyam na sasakyan na inabandona sa isang hotel casino sa Pasay City.

Ayon kay PNP-HPG Director Chief Superintendent Roberto Fajardo, posibleng isinangla ang nasabing mga sasakyan ng mga natalo sa casino.

Sabi pa ni Fajardo, posibleng carnap o mga rentangay ang ilan sa mga sasakyan lalo na at napag-alaman nila na pito sa siyam na sasakyan ang hindi tugma ang plaka na nakakabit rito.


Tiniyak naman ng Southern Police District (SPD) na makikipag-ugnayan sila sa iba pang hotel casino sa kanilang nasasakupan.

Isasailalim rin sa inspeksyon ang iba pang sasakyan na nasa mga casino para malaman kung tugma ang plaka ng mga ito.

Facebook Comments