Mga sasakyang may dalang relief items, hiniling ng senador na huwag nang singilin ng toll fees

Hinimok ni Senator Francis Tolentino ang major tollway companies na huwag nang singilin sa toll ang mga sasakyan na may dalang relief items para sa mga biktima ng kalamidad.

Ang apela ng senador ay sa gitna na rin ng naranasang matinding pagbaha sa Central Luzon bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan mula pa noong pumasok sa bansa ang habagat at Bagyong Egay.

Hiling ni Tolentino sa toll companies na huwag nang pagbayarin ng toll fee ang mga sasakyang may dalang relief items kapag may kalamidad.


Paliwanag ng senador, ang mga ito ay tumutulong sa mga nasalanta ng baha kaya tulong na rin sa kanila ang hindi singilin ng toll fee.

Humirit din si Tolentino sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na mabigyan ng refund ang mga motoristang ilang gabi nang stranded dahil sa matinding traffic sa may bahagi ng NLEX partikular sa may segment ng Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga kung saan ang baha ay napaulat na 50 sentimetro ang lalim dahilan kay hindi makausad ang mga sasakyan.

Facebook Comments