Nagbigay ng paalala ang LTO Region 1 ukol sa mga sasakyang nagtatanggal ng silencer sa kanilang mga tambutso o muffler maging ang hindi pagpapalit ng mga accessories gaya na lamang ng ilaw na ginagamit ng mga sasakyan bilang senyas habang sila ay bumabyahe.
Sa ginanap na KBP Forum kasama si LTO Region 1 RD Danny Martinez, para sa accessories ng sasakyan, maaari umanong gumamit ng LED lights ngunit dapat ay mababa ito sa headlight at dapat na puntirya ng ilaw sa kaliwang bahagi ng sasakyan ay dapat nasa halos pagitna at hindi nakatutok sa pa-kaliwa dahil maaaring masinagan ang katapat na sasakyan.
Sinabi din nitong maaari rin naman magpalit ng tambutso basta ay hindi tatanggalin ang silencer nito dahil lalampas na umano sa 99 decibels ang ingay ng sasakyan at maaaring matawag na noisy muffler na siyang hindi nararapat sa pampublikong kakalsadahan.
Ngunit kahit may gadget man na maaaring makapag-identify sa lebel ng ingay ng mga tambutso ay wala pa rin itong lusot sa LTO dahil ang pagtanggal pa lang sa silencer nito ay kinokonsidera ng illegal modification of muffler.
Ang sino mang magtatangkang magtanggal ng silencer sa kanilang mga tambutso o muffler ay haharap sa kaukulang parusa na multang nagkakahalaga ng limang libong piso.
Samantala, matindi ngayon ang pagsulong ng LTO Region 1 sa pagbibigay ng kaalaman sa mga motorista ukol sa tamang pagmamaneho sa kakalsadahan at maging pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga violations na may kaakibat na batas. |ifmnews
Facebook Comments