
Nagsagawa ng operasyon ang Region IV-A Law Enforcement Service (RLES) at nahuli ang ilang sasakyang ginagamit sa ilegal na karera habang dumaraan ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa Batangas.
Isinagawa ang operasyon alinsunod sa Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code at sa “No Registration, No Travel” policy.
Kabilang sa mga lugar na pinaghulihan ang Lungsod ng Lipa, Padre Garcia at Rosario sa Batangas.
Sa kabuuan, anim na sasakyan ang nahuli, na pawang mga Honda Civic, lima ay EG Hatchback at isa ay SiR.
Ang mga naturang sasakyan ay may iba’t ibang uri ng paglabag, kabilang ang obstruction, walang rehistro, defective o iligal na accessories, at improvised plate.
Dalawang Honda Civic EG Hatchback ang nahuling may defective headlight at pinutol na muffler.
Samantala, isa pang Honda Civic EG Hatchback ang may defective headlight, improvised plate, pinutol na muffler, at rear bumper na may “speed holes.”
Iginiit naman ni LTO Asec. Markus Lacanilao na magpapatupad sila ng mas marami pang operasyon upang sugpuin ang ganitong ilegal na gawain at iba pang paglabag sa batas-trapiko.









