Mga satellite office ng QC Treasurers Office, isinara muna

Sarado ng isang linggo ang lahat ng satellite office ng Quezon City Treasurers Office.

Sa abiso ng Quezon City – Local Government Unit (QC-LGU), magsisimula ito ngayong araw, April 21, at magtatagal hanggang 28.

Layon nito na mai-deploy ang mga staff nito para mapabilis ang pamamahagi ng ECQ financial assistance.


Magbabalik ang regular na operasyon ng satellite offices sa April 29.

Sa ngayon, lahat ng transactions ay gagawin sa City Treasurers main office sa City Hall compound.

Facebook Comments