Mga scammer na gumagamit ng pangalan ni OWWA Administrator Arnell Ignacio, binalaan

 

Nagbabala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA ) sa publiko na mag-ingat sa mga nagkalat na scammers na nambibiktima ng ating mga kababayan.

Ayon sa OWWA, ginagamit kasi ng mga scammers ang pangalan ni OWWA Administrator Arnell Ignacio para makakuha ng pera sa kanilang bibiktimahin.

Giit ng ahensya, mayroon na tayong kababayang Pinoy na naloko at nakuhaan ng halos P5,000 dahil sa pag-aakalang lehitimo ang naturang operasyon.


Kasunod nito, hinikayat ng OWWA ang mga kababayan natin na iwasan ang ganitong mga uri ng mga accounts na gamit ang pangalan ni Administrator Ignacio o kaya’y agad na ipagbigay alam sa ahensya at agad magawaan kaukulang aksyon.

Sa mga biktima o nais mag-report ng kahina-hinalang account ay maaring magemail o magmessage sa kanilang email na Email: legal@owwa.gov.ph
Mobile No./ Viber: +639175805720
Landline: +632 (8)551-6638

Paalala ng ahensya na ang tanging official facebook accounts ni OWWA Administrator Ignacio ay AdminArnell Ign at Arnell Ignacio.

Facebook Comments