Mga school canteen sa loob ng mga paaralan, pinayagan na rin ng DepEd na buksan

Pinapasiguro ng Department of Education (DepEd) sa pamunuan ng mga eskwelahan ang kaligtasan ng mga estudyante habang sila ay kumakain at sa mga kakainin nito.

Ito ay matapos payagan ng DepEd na buksan na rin ang mga school canteen upang hindi na lumabas pa ng school premises ang mga estudyante tuwing breaktime.

Ayon kay Education Spokesperson Atty. Michael Poa, dapat magsagawa ng regular na disinfection sa mga gagamitin tulad ng kutsara, tinidor, baso, pinggan at iba pa.


Dapat din aniya tiyakin ng mga school head at nangangasiwa sa mga canteen na sariwa at masustansyang pagkain ang ibibigay sa mga estudyante.

Pero, payo ng DepEd sa mga magulang ay mas makabubuti umanong pabaunan na lamang ang kanilang mga anak para mas nakatitiyak ang mga ito sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments