Sinuspinde na muna ng Philippine National Police ang schooling at training ng National Police Training Institute na supervised ng PNP Training Service.
Ito ang inihayag ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar matapos na aprubahan ni PNP Chief General Debold Sinas ang rekomendasyon ng PNP Human Resource and Doctrine Development.
Ayon kay Eleazar, hanggang March 30,2021, magiging suspended ang schooling at training at pag-aaralan pa nila kung i-extend ito.
Samantala sinabi pa ni Eleazar na nirekomenda rin ng HRDD na ipagpatuloy ang blended learning, face-to-face at virtual classes ng PNP Academy at ng National Police College, pero may mahigpit na health precautionary measures.
Habang magpapatuloy rin ang frontline services sa Camp Crame, katulad ng Directorate for Intelligence, Supervisory Office for Security and Investigation Agencies, Firearms and Explosives Office, Highway Patrol Group, Directorate for Investigation and Detective Management, Health Services, at Crime Laboratory Group pero limitadong numero lamang ng mga kliyente.
Habang tigil muna ang opisina ng PNP Retirement and Benefits Administration Service dahil karamihan sa kanilang kliyente ay mga senior citizens.