Bawal nang lumapit ang mga sasakyang pandagat sa loob ng 2-kilometer mula sa baybayin o shoreline ng Manila Bay.
Ito ang ipinahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu sa gitna nang isinasagawang imbestigasyon sa oil spill malapit sa Manila Yacht Club.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay ng isinagawang daily cleanup sa Manila Bay sa Roxas Boulevard.
Ani Cimatu, sa pamamagitan nito ay maiiwasang lumikha ng pinsala o magdulot ng polusyon sa marine life ang mga pagtagas ng langis mula sa mga nakadaong na sea vessels.
Nilinaw ni Cimatu na hindi sakop ng kaniyang kautusan ang mga cargo.
Facebook Comments