Posibleng maharap sa obstruction of justice ang mga security guard na humarang sa mga pulis na naghahanap sa driver ng sport utility vehicles (SUV) na bumangga at nanagasa sa security guard sa Mandaluyong.
Ito ang sinabi ni Police Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).
Aniya opsiyon ngayon ng PNP ang pagsasampa ng kaso sa mga security guard dahil hinadlangan ang mga pulis na nag-iimbestiga sa insidente na gampanan ang kanilang tungkulin.
Paliwanag nya, 2 beses na nagtangka ang mga pulis na makapasok sa subdivision pero hindi sila pinapasok ng mga security guard sa exclusive subdivision sa Ayala Heights, Old Balara, Quezon City.
Samantala, umapela naman ni Fajardo sa driver ng SUV na makipag-ugnayan at sumuko sa mga otoridad.
Nabatid na base sa record, isang Jose Antonio San Vicente ang nag mamay ari ng SUV na sangkot sa insidente.
Hindi naman nila makumpirma kung ito rin ang nagmamaneho at nanagasa sa security guard.
Nagpapatuloy aniya ang background check sa owner at driver ng SUV at hindi pa nila masabi kung nasangkot na ba ito sa dating kaso at kung may koneksyon sa mga pulis.