Inanunsyo ni Social Security System (SSS) Employees’ Compensation Commission Executive Director Stella Zipagan-Banawis na maaari nang magparehistro ang lahat ng kanilang miyembrong self-employed sa Employees’ Compensation Program (ECP).
Ito ay matapos pirmahan ang Joint Memorandum Circular (JMC) batay sa ECC board resolution no. 19-03-05 na nagpapalawig sa ECP coverage para sa mga self-employed compulsary members.
Simula nitong Setyembre 2020, kasama na ang EC contributions sa Payment Reference Numbers (PRN) na inisyu ng SSS sa mga self-employed members.
Habang ang mga nakapagbayad na ng kontribusyon sa kaparehong kategorya ay papadalahan ng hiwalay na PRN sa email para ipabatid ang pagbabayad sa kanilang kontribusyon.
Ayon naman kay Department of Labor and Employment (DOLE) at ECC Chairperson Silvestre Bello III, talagang itinutulak nila ang pagpapalawig para mapabilang sa ECP coverage ang mga miyembrong self-employed.
As of September 2019, mayroon nang 37.8 milyong manggagawa ang nakarehistro sa SSS kung saan 7% dito ay self-employed o katumbas ng 2.64 na miyembro.