MGA SEMENTERYO SA DAGUPAN CITY, HANDA NA SA PAPARATING NA UNDAS

Isang araw bago sumapit ang undas, diskarte na ang nasa isip ng ilang kabataang sinusulit ang mga araw na walang pasok upang magkaroon ng pagkakakitaan.

Ang ilan, nagtitirik ng kandila sa matataas na mga nitso kapalit ng ilang piso.

Ang ilan naman, abala sa pagpipintura at paglelettering kung saan inihayag nila na matumal pa raw ito ngayon.

Matatandaan naman na noong buwan ng hulyo, ilang nitso ang natibag sa Independent Cemetery.

Ayon sa ilang residente roon, isinilid sa mga garbage bag at sako at nasa tabi lang ang mga buto ng nakalibing doon.

Samantala, nakapuwesto na rin ang ilang stalls na nagbebenta ng mga pagkain, kandila maging ng mga bulaklak.

Nakaposte na rin ang kawani ng ilang mga awtoridad tulad ng BFP.

Sa tabi naman nitong pribadong sementeryo, plantsado na rin ang kanilang traffic plans upang maging maayos ang daloy nito sa araw ng undas.

Inaasahang libo-libong Dagupeno ang makikiisa sa pag alala ng mga namayapa pagsapit ng todos los santos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments