Isasara ang mga sementeryo sa lungsod ng Dagupan sa darating na undas dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang aktibong kaso dito.
Sa inilabas na Executive Order No. 31 s. 2021, magsasara sa ika- 28 ng Oktubre hanggang ika- 3 ng Nobyembre ang mga pribado at pampublikong sementeryo sa lungsod na layong maiwasan ang pagtitipon ng tao sa nalalapit na Undas.
Sa nasabing petsa walang papayagang pumasok sa sementeryo maliban na lamang sa mga libing at cremation services.
Payo ng lokal na pamahalaan na planuhing maigi ang kanilang schedule sa pagpunta sa mga sementeryo upang maiwasan ang hawaan sa nakakahawang sakit.
Sa kasalukuyan, ang lungsod ay mayroong higit isang libong aktibong COVID-19 cases na isa sa nakikitang dahilan ng pagdami ng kaso ay ang pagkakaroon ng Delta Variant.