Bukas na sa publiko ang mga pampubliko at pribadong memorial parks, sementeryo at kolumbaryo sa lungsod ng Pasig.
Nagsimula ito kahapon hanggang Miyekules, October 28 at muling magbubukas sa November 5 hanggang November 7.
Matatandaang ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isara ang mga sementeryo sa bansa mula October 29 hanggang November 4 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa panahon ng Undas.
Paiiralin naman ang barangay coding scheme sa mga bibisita upang matiyak ang 30% na crowd capacity ng isang sementeryo at lilimitahan lang sa isang oras ang mga dadalaw.
Ang operating hours ng Pasig Catholic Cementery, Pasig Cemetery (Barracks), Santolan Cemetery, Sta. Clara De Montefalco Columbarium at Evergreen Cemetery ay mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Mahigpit naman na ipatutupad ang health protocols laban sa COVID-19.