Mga sementeryo sa Maynila, pansamantalang isinara dahil sa Bagyong Paeng

Pansamantalang isinara ng Manila Local Government ang mga pampublikong sementeryo sa lungsod ngayong Sabado, Oktubre 29, 2022.

Batay sa Facebook post ng Manila Public Information Office, sarado ang mga sementeryo sa lungsod dahil sa banta ng Bagyong Paeng, na nakatakdang tahakin ang mga lugar sa Calabarzon at Metro Manila.

Sa ngayon, nakataas ang signal no. 3 sa Metro Manila dahil sa Bagyong Paeng.


Ang Manila North at Manila South Cemetery ang ilan sa malalaking sementeryo sa National Capital Region (NCR) na dinudumog tuwing papalapit ang Undas.

Facebook Comments