Mga sementeryo sa NCR, isasara sa October 29 hanggang November 2

Nagpasa ang Metro Manila Council (MMC) ng resolusyon hinggil sa pagsasara ng mga pribado at pampublikong sementeryo at maging ng mga columbarium sa National Capital Region (NCR) mula October 29 hanggang November 2.

Layon nito na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kaugnay nito, hinimok ng MMC ang publiko na magtungo na lamang sa mga sementeryo bago ang October 29 para maiwasan ang pagsiksikan.


Magpapakalat din nang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng traffic enforcers sa mga sementeryo sa NCR para magmando sa daloy ng trapiko at para mag-monitor sa pinaiiral na Health Protocols.

Facebook Comments