Mga sementeryo sa Quezon City, ininspeksyon ng lokal na pamahalaan bilang paghahanda ngayong Undas

Ininspeksyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Offices (QCDRRMO) ang lahat ng sementeryo sa lungsod Quezon dalawang linggo bago ang Undas.

Gumawa na ng sistema ng koordinasyon ang QCDRRMO sa mga pamunuan ng Bagbag, Holy Cross, Baesa at Eternal Garden cemeteries para sa paglalatag ng medical at emergency posts.

Layon nito na makatulong at maasistihan ang publiko sa pagpunta sa mga sementeryo para dalawin ang mga namayapang mahal sa buhay.


Nitong mga nakalipas na araw, may mga nagpupuntahan na sa mga sementeryo para ayusin at linisin ang mga puntod.

Simula October 29 hanggang November 4, 2020, isasara na sa publiko ang lahat ng sementeryo upang hindi dagsain ng tao bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19, pero maaari naman silang dumalaw bago at pagkatapos ng mga araw na nabanggit.

Alinsunod sa guidelines na inilabas ng city government, limitado lang sa 30% ang mga taong papayagang makapasok sa mga sementeryo at kailangang nakasunod sa health at safety protocols.

Facebook Comments