Mga senador at kongresita, dapat magsagawa ng joint ocular visit sa Marawi City

Marawi City – Nais ni Senator Juan Miguel Zubiri na magsagawa ng joint ocular visit ang mga miyembro ng Senado at Kamara sa Marawi City.

Ayon kay Zubiri, makakatulong ang nasabing hakbang para ma-assess nila ng tama ang pinsala sa Marawi City dulot ng 5-buwang panggugulo ng Maute Terror Group.

Ayon kay Zubiri, ang ocular visit ay pwedeng isagawa isang linggo bago mag-resume ang sesyon ng kongreso sa November 13.


Bukod dito ay iminungkahi din ni Zubiri na magkaroon muli ng briefing sa kanila ang security officials ng pamahalaan gayundin ang iba pang pinuno ng mga kinauukulang ahensya.

Ang Senado naman ay nauna ng bumuo ng Special Committee on Marawi na pinamumunuan ni Senator Gringo Honasan at ito ay tutulong sa gagawing pag-aaral sa pinsalang tinamo ng Marawi.

Facebook Comments