Desidido na ang ilang senador na huwag dumalo sa Inter-Parliamentary Union o IPU Assembly na gaganapin sa Switzerland sa buwan ng Abril.
Kadalasan ay umaabot sa halos 1,000 Parliamentarians at kanilang mga staff mula sa iba’t ibang bansa ang dumadalo sa nasabing pagtitipon.
Ang pasya ni Senate President Tito Sotto III ay dahil sa mabilis na pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Europe.
Si Senate Minority Leader Franklin Drilon ay hindi na rin tutuloy at nabatid niya na pinag-aaralan na rin ng IPU Executive Committee na ikansela ang assembly dahil sa COVID-19 outbreak.
Katwiran naman ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, delikado sa kalusugan ang pagpunta sa IPU assembly.
Sabi ni Senator Joel Villanueva, hindi sya magugulat kung katulad nya ay hindi na rin pupunta ang lahat ng mga senador sa IPU Assembly.