Mga senador, hati sa mungkahi ng Ombudsman na tanggalin ang probisyon ukol sa pagsasapubliko ng COA report sa taunang budget

Hati ang mga senador sa panawagan ni Ombudsman Samuel Martires sa Kongreso na tanggalin na ang probisyon sa pambansang budget na nag-aatas na isapubliko ang report ng Commission on Audit (COA) ukol sa pagastos ng pondo ng mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, pag-aaralan nila ang apela ng Ombudsman.

Aniya, kailangan din nilang ikonsidera ang constitutional right ng publiko patungkol sa mga impormasyon na may kaugnayan sa pangangasiwa ng pamahalaan.


Tutol naman dito si Senate Minority Leader Koko Pimentel at aniya’y dapat panatilihin ang kasalukuyang patakaran ukol sa mandatory publication ng COA report.

Iginiit naman ni Senator Imee Marcos na mahalaga itong maikonsidera dahil hindi dapat maabuso at magamit na armas ang COA report laban sa isang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments