Mga senador, hinamong lumantad at magpakatotoo kung kontra ba sila o pabor na amyendahan ang mga economic provisions sa konstitusyon

Hinamon nina House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Dalipe at Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman ang 24 na senador na magpakatotoo at ilantad sa publiko kung sila ba ay pabor o kontra na amyendahan ang mga economic provisions sa konstitusyon.

Ayon kay Congressman Dalipe, dapat maging transparent ang mga senador para malaman ng taumbayan kung sino ang dapat nilang ipwesto sa Senado sa darating na halalan.

Diin naman ni Cong. Roman, huwag nang magbolahan at magtapatan na lang tayo para magkaalaman na sino ba talaga sa mga senador ang pabor at hindi pabor na mareporma ang mga economc provisions sa saligang batas na siyang daan para pumasok sa bansa ang mas maraming mamumuhunan.


Facebook Comments