Mga Senador, hindi bumilib sa eleksyon ni Secretary Duque sa World Health Organization

Congratulations ang mensahe ni Senate President Tito Sotto III sa eleksyon ni Health Secretary Francisco Duque III bilang Chairman ng World Health Organization (WHO) Regional Committee for Western Pacific.

Pero giit ni SP Sotto, wala naman itong kinalaman sa performance ni Duque sa PhilHealth at sa DOH na hindi pasado sa mga Senador at sa mga miyembro ng Committee of the Whole na nag-imbestiga sa katiwalian sa PhilHealth.

Para naman kay Senator Panfilo Ping Lacson, ang eleksyon sa WHO ay hindi makakapagbago sa image ni Duque at sa pangangailangan na mapalitan na ang liderato nito sa DOH.


Diin ni Lacson, up close na nakita nila sa Senado ang hindi mahusay na trabaho ni Duque, ang pagkakaroon nito ng conflict of interest at kakulangan sa pagtugon sa COVID-19 lalo na sa pagsasagaw ng contact tracing.

Si Senator Sonny Angara naman ay nagbiro na baka pwedeng sa WHO na lang si Duque.

Sa tingin ni Angara na dahil dito ay maaring masundan ng Pilipinas ang best practices ng ibang bansa sa paglaban sa COVID-19.

Facebook Comments