Mga senador, hindi ligtas sa isyu ng mga ghost flood control projects

Pinaalalahanan ni Senator Ping Lacson ang mga senador na hindi pa sila ligtas sa kontrobersiya ng mga ghost flood control projects.

Ayon kay Lacson, parehong mga senador at kongresista ang nagsingit o nagsulong ng amyenda sa national budget.

Naniniwala ang mambabatas na posibleng may senador ang nag-insert o nagsingit ng pondo sa flood control projects at bahagi ng 25 percent share na tinatawag na funder, proponent o sponsor ng insertions.

Maaari aniyang nagkakaroon din ng karapatan ang mga mambabatas na gumagawa ng insertions para pumili ng kontratista.

Gayunman, hindi pa mapapangalanan ni Lacson kung sinong senador ang posibleng sangkot sa maanomalyang proyekto hanggat walang matibay na ebidensya.

Ilalantad lamang niya ang mga natuklasan oras na may makalap siyang solidong basehan para rito.

Facebook Comments