Thursday, January 29, 2026

Mga senador, hinikayat ng isang ekonomista na kumalma sa pagpapahayag kontra China

Naniniwala ang isang ekonomista na dapat maghinay-hinay ang mga senador sa kanilang anti-China rhetorics o pagpapahayag na may kaugnayan sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sa ngayon kasi aniya ay walang alternatibo ang business sector sakaling itigil ng China ang pagluluwas ng maraming kalakal, kung saan nakaasa pa rin ang Pilipinas.

Aniya, dapat idaan sa tamang forum ang mga reklamo laban sa China.

Kasunod na rin ito ng mga maanghang na pananalita nina Senador Risa Hontiveros, Senator Kiko Pangilinan, at Senator Erwin Tulfo laban sa embahada ng Tsina sa Pilipinas na nambastos umano sa mga opisyal ng gobyerno .

Labinlimang senador naman ang pumirma sa Senate Resolution 256 na kumonondena sa tila pagbabanta ng China kaugnay ng WPS.

Facebook Comments