Mga senador, idinepensa ang pagtanggi ni Pangulong Duterte sa alok na tulong ng European Union sa Marawi City

Manila, Philippines – Tanggap ng mga senador ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggihan ang inaalok na tulong pinansyal ng European Union o EU para sa Marawi City.

Diin nina Senators Gringo Honasan, Francis Kiko Pangilinan at Francis Chiz Escudero, ito ay presidential prerogative.

Ipinunto pa ni Honasan na okay lang huwag tumanggap ng tulong kung ang kapalit naman ay kasarinlan at pride ng ating bansa dahil ang EU ay palagi na lang nakikialam, nagmamagaling, at nagmamarunong.


Paliwanag naman ni Senator Pangilinan, ang Pangulo ang chief architect ng foreign policy ng bansa.

Paalala lang ni Pangilinan na tiyakin ng gobyerno na magiging maayos ang rehabilitasyon sa Marawi City at mapopondohan ito ng sapat kahit tinanggihan ang alok na tulong ng EU.

Aminado naman si Escudero na malaking tulong sana ang financial aid mula sa EU para sa rehabilitation at reconstruction ng Marawi pero hindi rin naman aniya maganda na tatanggapin ito ng Pangulo habang patuloy ang pakikipagbangayan niya sa mga ito.

Facebook Comments