Mga senador, ikinalugod ang maagap na pagkilos ng PCG sa Bajo de Masinloc

Ikinatuwa ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pagalis ng Philippine Coast Guard (PCG) sa floating barrier na inilatag ng China sa Bajo de Masinloc.

Pinuri ni Dela Rosa ang matapang na pagputol ng PCG sa barrier at pinasalamatan din ang Coast Guard sa mabilis nitong pagtugon sa naturang insidente.

Sa pagdinig ng 2024 budget ng Department of Transportation (DOTr) sa Senado, sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na ang kanilang agad na pagresponde ay bilang tugon sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na alisin agad ang floating barriers.


Ngayon aniya ay bukas na muli ang bahaging iyon ng karagatan para makapangisda ang mga mangingisdang Pilipino.

Samantala, iginiit naman ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat lamang ipaglaban ng Pilipinas kung anuman ang sa atin lalo na kung na-a-agrabyado na tayo.

Umaasa si Go na gagawin ng pamahalaan, lalo na ng ehekutibo at concerned agencies, ang kanilang trabaho para maprotektahan ang teritoryong pandagat ng bansa.

Facebook Comments