Mga Senador, isa-isa nang dumarating sa Batasang Pambansa

Nasa Batasang Pambansa na si Senate President Tito Sotto III na kasamang magpi-preside sa joint session ng Kongreso kung saan ilalahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

Sa kanyang larawan ay makikita si SP Sotto na naglalakad sa red carpet habang nakasuot ng face mask at face shield.

Ngayon ay nasa holding area sya habang inaantabayanan ang pagdating ni Pangulong Duterte.


Bukod kay Sotto ay nasa Batasang Pambansa na rin si sina Seantors Francis Tolentino, Ramon Bong Revilla at Pia Cayetano.

Nasa byahe naman na patungo sa Batasan si Senato Ronald Bato Dela Rosa.

Kasama ding magtutungo sa Batasan Complex sina Senators Sherwin Gatchalian at Christopher Bong Go.

Ang nabanggit na mga senador ay sumailalim na sa swab test kahapon at sumailalim pa sa covid 19 rapid test sa kanilang pagdating sa Batasang Pambansa.

Samantala, umatras na si majority leader juan miguel zubiri sa pagpunta sa Batasan Pambansa dahil takot sya sa virus na tumama na sa kanya.

ayon kay Zubiri, bahay o sa telebisyon na lang niya papanoorin ang SONA ng Pangulo.

Facebook Comments