Pinamamadali ng mga senador ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagbuo ng integrated master plan para sa lahat ng mga flood control projects sa bansa.
Kasunod na rin ito ng pag-amin ng DPWH matapos linawin ni Senator Imee Marcos na wala pa talagang kongkretong master plan ang gobyerno para solusyunan ang matinding pagbaha sa maraming lugar sa bansa.
Ipinag-utos ni Senate Committee on Public Works Chairman Senator Ramon Bong Revilla Jr. sa DPWH ang agad na pagbuo ng masterplan at pinatitiyak na magkaka-ugnay ang mga ito sa flood control projects ng bawat lugar.
Samantala, pinuna ni Senator Nancy Binay na sa tuwing magbabago ang administrasyon ay nagbabago rin ang flood control projects na isang maling ugali na nakasanayan na tuwing magbabago ang presidente.