Maaari nang maghain ang mga senador ng kanilang mga panukala simula ngayong araw, July 1.
Ito ay kahit sa July 22 pa pormal na magbubukas ang 18th Congress.
Ayon kay Senate Secretary Myra Marie Villarica – ang pagkakasunod ng paghahain ng panukala at resolusyon at dapat naaayon sa prinsipyo ng seniority o haba ng panunungkulan ng bawat senador.
Para sa mga senador na may parehas na haba ng serbisyo, nagbunutan na nitong June 20.
Base sa seniority, mauuna si Senate President Tito Sotto III, susunod sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Panfilo Lacson, Francis Pangilinan at Senate Pro-Tempore Ralph Recto ay maaaring maghain ng kanilang unang 10 panukala o reso.
Ang susunod na batch ay sina Senator Lito Lapid, Pia Cayetano, bong Revilla, Richard Gordon, Koko Pimentel at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Susundan sila nina Senators Nancy Binay, Grace Poe, Sonny Angara, Cynthia Villar, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Leila De Lima at Manny Pacquiao.
Ang huling batch ay sina Senators Bong Go, Francis Tolentino, Imee Marcos, at Bato Dela Rosa.